Naglabas ng bagong subpoena o pormal na patawag ang Independent Commission for Infrastructure ngayong Martes kay dating house budget committee chairman at resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Ayon sa ICI, inihain ang mga subpoena sa bahay ni Co sa Pasig City at sa Bicol para sa mga pagdinig sa November 11 at 12.
Sakali namang hindi humarap sa hearing si Co pag aaralan naman ng komisyon kung may sapat bang basehan para ipa-cite in contempt ang dating mambabatas.
Una nang sinabi ni ex Justice chief at ngayo’y ombudsman Jesus Crispin Remulla na ikinukunsiderang person of interest si Co sa umano’y anomalya sa flood control projects ng pamahalan.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung magbabalik bansa si Co para harapin ang mga alegasyon pero una na niyang sinabing mayroon umanong mga banta sa kanyang seguridad.



