Wala nang hurisdiksyon ang Kamara sa ethics complaint laban kay former Ako Bicol pArtylist Rep. Zaldy Co ngayong nag-resign na siya bilang kongresista, ayon kay House Speaker Faustino Dy III.
Ani Dy, nasa kamay na ng Department of Justice ang pagsusulong ng kaso upang mapanagot si Co.
Ayon naman kay Navotas City Rep. Toby Tiangco, ang pagbibitiw ni Co ay pag-iwas sa accountability.



