Ang akala ng isang lola na wala siyang birthday celebration ay mali pala dahil isang children’s style party ang inihanda sa kanyang 85th birthday.
LaKing-gulat at tuwa ang isang lola na sinorpresa ng kanyang mga kapamilya para sa kanyang kaarawan.
Noong una kasi ay akala nito na hindi nila ipagdiriwang ang kanyang birthday, ‘yun naman pala ay nakahanda na ang kanyang birthday celebration sa isang fast food chain ilang buwan bago pa ang kanyang special day.
Young at heart pa rin talaga si Nanay na kitang-kita ang saya with her party hat at siyempre kasama pa ang kanyang mahal sa buhay.
ADVERTISEMENT



