X-ray scanner sa mga istasyon ng MRT-3, planong alisin ayon kay DOTr Sec. Dizon

📅
Photo from DOTr MRT – 3

Plano ng Department of Transportation na alisin ang mga X-ray scanner sa mga istasyon ng MRT-3 upang mabawasan ang pila ng mga pasahero.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, nakikipag-ugnayan na siya lalo na sa DICT upang makahanap ng dagdag na seguridad sa mga istasyon pag tinanggal na ang mga naturang makina.

Inihambing din nito na wala namang mga X-ray machine sa ibang mga bansa at nakadagdag lamang itong sagabal sa linya ng mga istasyon.

Samantala, sinabi rin ni Dizon na gumaganda na ang sitwasyon sa mga pila sa MRT matapos ang kanyang inspeksyon kahapon.

ADVERTISEMENT

Inanunsyo rin ni Dizon na magdadagdag sila ng isa pang bagon mula sa 3-car train ng MRT tuwing rush hour upang mas maraming pasahero na ang makasakay.