Nagwagi ang worship singer at songwriter na si Pastor Michael Rodriguez sa ginanap na ‘Himig Taga-Ilog’ songwriting contest ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Mula sa 33 entries, itinampok ng mga kalahok ang makukulay na kwento ng ating mga ilog at estero sa pamamagitan ng kanilang malikhaing musika.
Ang ‘Himig Taga-Ilog’ songwriting contest ay isang pagdiriwang ng pagkamalikhain at pagtataguyod sa kalikasan, na sumusuporta sa Gawad Taga-Ilog: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila ng ahensya.
ADVERTISEMENT
Lubos naman na nagpasalamat si Pastor Michael sa pagkakaroon niya ng kontribusyon sa pamamagitan ng musika na opisyal na magiging theme song ng proyekto.
Ilan sa mga worship song na sinulat ni Pastor Michael ay ang “King Jesus” at “Rescue,” na kabilang sa kanyang latest album na Dear Friends. (Benedict Quejado/News Light)




