Para sa mga mahilig sa worship music na may nakakaindak na beat, swak na swak ito para sa iyo!
Ang kantang “Celebration” ni Forrest Frank ay hindi lang nagbibigay-inspirasyon, kundi nilagyan pa ng mga dance step na nagva-viral na ngayon sa social media.
Ibinahagi mismo ni Frank sa kanyang Facebook page ang viral dance ng kanyang kanta na sinayaw ng isa sa kilalang dance group sa Pilipinas, ang Mastermind.
ADVERTISEMENT
Sino ba naman ang hindi mapapaindak, dahil bukod sa inspiring lyrics ay nakakahype din ng energy ang mga melody at beat nito.
Talaga nga namang ang pagpupuri ay hindi lang sa awit, kundi pati na rin sa pagsayaw!
Pinatunayan nito na ang musika at galaw ay maaaring maging isang powerful na paraan upang ipahayag ang pananampalataya. (Benedict Quejado/ News Light)



