
Ipinagdiwang ang World Immunization Week sa lungsod ng General Trias sa pangunguna ng DOH CALABARZON katuwang ang lokal na pamahalaan at iba pang health offices.
Sa temang “PuroKalusugan para sa mga Gentriseño,” umabot sa 665 libreng serbisyong medikal ang naipagkaloob, kabilang ang pagbabakuna sa 51 pasyente, dental services, konsultasyong medikal, laboratory tests, at HIV screening.
Nagbigay rin ng libreng bakuna kontra rabies sa 103 alagang hayop.
Layunin ng aktibidad na itaguyod ang kalusugan at kaligtasan ng komunidad sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna at iba pang serbisyong pangkalusugan.



