‘Work from The Hague’ ni Davao City Mayor-elect FPRRD, imposible ayon sa DILG

📅

Hindi puwedeng mag-‘work from The Hague’ si Davao City Mayor-elect at dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, sa kabila ito ng kanyang pagkakadetine sa International Criminal Court (ICC).

Bagamat kinikilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanyang tagumpay sa halalan, lalo’t overwhelming ang natanggap niyang boto, iginiit ng ahensya na hindi ito maaari.

Ayon sa DILG, si Vice Mayor-elect Sebastian Duterte muna ang tatayo bilang acting mayor habang hindi pa makapagseserbisyo si dating Pangulong Duterte.

Habang nagpaplano rin ang ahensya na humingi ng pahintulot sa ICC para makapanumpa si Duterte sa pamamagitan ng consul.

ADVERTISEMENT