White beep cards, naubos; pamamahagi nito ng DOTr, babalik sa Sabado | News Light

📅 October 10, 2025 12:28 PM PHT  |  ✏️ Updated October 10, 2025 12:32 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Nag-abiso ang Department of Transportation at Beep sa pagkaubos ng concessionary cards sa mga counters ngayong araw.

Bunsod ito ng problema sa supplier ng cards ng kumpanyang Beep at magiging limitado muna ang mga ibabahaging cards nito sa mga commuter na gustong kumuha ng discount.

Upang makapaglingkod pa rin sa publiko ngayong Biyernes, pansamantalang mga senior citizen muna ang makakakuha sa mga concessionary counter cards sa MRT-3, LRT-1, LRT-2 ngayong araw.

ADVERTISEMENT

Magpapatuloy ang pagbibigay ng mga white cards o concessionary cards para sa mga estudyante bukas, Sabado, ika-11 ng Oktubre.

Humingi ng tawad at pag-unawa ang kumpanyang Beep at DOTr sa mga kukuha ng concessionary cards. (Austin Gonzaga/ News Light)