Whistleblower Patidongan at pamilya ng mga nawawalang sabungero, naghain ng reklamo vs 12 pulis | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Pormal nang naghain ng administrative complaint sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, kasama ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer ang kanyang inihain laban sa 12 aktibong pulis na kasalukuyang nakadestino sa Luzon.

Bukod sa bayaran umano ang mga naturang pulis, alegasyon ni Patidongan, sangkot rin umano ang mga opisyal sa kriminalidad noong nagdaang war on drugs.

ADVERTISEMENT

Aabot naman sa 30 pulis ang sangkot umano sa kaso kung isasama sa bilang ang mga dismissed o retiradong pulis na kasama umano sa mga naghahahatian ng ₱70 milyon kada buwan.

Pinagbantaan pa umano ng isang heneral ang kanyang buhay.

Wala pang pahayag ang naturang heneral sa bagong alegasyon.

ADVERTISEMENT

Samantala, nagpasalamat naman ang mga kaanak ng biktima dahil sa wakas ay nabibigyan na sila ng pansin.

Ayon sa NAPOLCOM, susuriin muna nila ang kaso at ebidensya, pero hindi ihaharap ang mga akusadong pulis sa media.

Tiniyak ng NAPOLCOM na magbababa ng desisyon sa loob ng 60 araw.

ADVERTISEMENT