“When emotions are high, intelligence is low”: Malacañang, sinagot ang pagtawag ni VP Sara ng “bobo” sa administrasyon

📅 June 27, 2025 11:58 AM PHT  |  ✏️ Updated June 27, 2025 08:23 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News, Lideratong Marcos Jr.

Isa-isang sinagot ng Malacañang ang mga bagong pasaring ni Vice President Sara Duterte sa administrasyon.

Kabilang rito ang pagpuna ng ikalawang pangulo sa pagpapa-picture ni Pang. Marcos sa mga nasabat na ilegal na droga – bagay na ayon sa palasyo ay ginawa rin naman ng kanyang ama.

Sa press briefing ni Palace Press Officer, Usec. Claire Castro, pinasaringan n’ya ang bise sa pagtaas ng emosyon kaysa magpaliwanag ng mahinahon ukol a kanyang sunud-sunod na byahe abroad.

Giit ni Castro, posibleng may ethical at accountability concerns ang biyahe ni VP Sara Duterte dahil tinawag niya itong personal trip pero inamin rin na nagtrabaho siya bilang bise president ng bansa.

Ibinalik rin ni Castro kay Inday Sara ang bola matapos batikusin ni Duterte ang pagdalo ni PBBM sa pagwasak ng mga nasabat na droga.

Sabi kasi ni Sara, hindi pupwedeng puro photo ops lang ang presidente.

Samantala pinabulaanan rin ng Palasyo ang alegasyon ng bise sa isang live television interview sa russian state media na sinasampahan sya ng impeachment case upang matanggal umano ang mga kalaban sa pulitika.

Giit ng palasyo diversionary tactic lamang ito ni VP Sara para makaiwas sa alegasyon ng korapsyon.