Nakasungkit kaagad ng walong medalya ang Pilipinas sa unang araw ng ASEAN Para Games sa Thailand.
Isa sa fencing, tatlo sa swimming, at apat naman sa para athletics na sumatotal sa walong medalya ang nakuha kaagad ng bansa.
Sa fencing, nakuha ni Marlyn Garucho ang gold medal sa iskor na 15–11 laban kay Thitirat Pengprasittipong ng Thailand sa women’s individual sabre gold medal match.
Sa swimming, naunang nanalo si Gary Bejino na may oras na 5 minutes at 32.8 seconds sa men’s 400-meter freestyle S6 finals. Ito ang pang-apat na Para Games ni Bejino.
ADVERTISEMENT
Sumunod si Ernie Gawilan sa 400-meter freestyle S7.
Pangatlo naman sa swimming si Angel Otom sa 50-meter backstroke S4 at S5 na may oras na 47.29 seconds.
Sumunod naman si Jan Jyro Palermo sa men’s long jump T20.
ADVERTISEMENT
Si Evenizer Celebrado at ang guide nito na si Daniel Enderes Jr. ay nanalo ng ginto sa men’s 1,500-meter T11 matapos ma-disqualify ang Vietnam.
Kauna-unahang gold naman ni Rodrigo Podiotan Jr. sa men’s 400-meter T52.
Si Cendy Asusano naman ay nakakuha ng gold medal sa women’s shot put F54.
ADVERTISEMENT
Patuloy ang ASEAN Para Games sa Thailand ngayong araw. (Austin Gonzaga/News Light)



