Walang krisis sa katapatan ng kasundaluhan, ayon kay Defense chief Gilberto Teodoro, sa kabila ng pag-aming maraming suliranin ngayon ang bansa, lalo na ang isyu ng korapsyon.
Iginiit ni Teodoro na matatag ang Armed Forces of the Philippine sa kabila ng umuugong na balitang may mga pagtatangka umanong kudeta laban sa gobyernong Marcos.
Nanindigan si Teodoro na nananatiling matatag ang Armed Forces of the Philippines sa harap ng umuugong na balitang may nabigo umanong tangkang kudeta kamakailan.
Paliwanag ni Teodoro, bagamat may mga suliranin ang bansa sa gitna ng isyu ng korapsyon labas na aniya rito ang militar.
Una nang itinanggi ng Malacañang na may intelligence reports na may mga kumikilos sa AFP upang bawiin ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Una nang ibinunyag ni dating Philippine National Police chief at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na may mga dating uniformed personel na galit na umano sa estado ng korapsyon sa bansa.
ADVERTISEMENT
Babala naman ni Former Sen. Antonio Trillanes IV sa Marcos government, maging mapagmatyag sa harap ng ganitong banta.
Aniya may ilang grupong kaalyado ng mga Duterte na determinado umanong samantalahin ang isyu.
Nitong lunes, sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi na stable ang administrasyong Marcos dahil sa mga isyu ng korapsyon na kinasasangkutan ng mga opisyal at mga mambabatas.



