Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bago mag-Pasko, may makukulong na sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa kanyang report kahapon, inilalahad niya ang listahan ng mga indibidwal na sasampahan ng kaso base sa rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Kabilang dito sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan officials na sina Henry Alcantara at Brice Hernandez, maging ang mga kontratista gaya ni Sarah Discaya.
Nang tanungin naman kung kasama sa listahan ang dating House Speaker at pinsan nitong si Representative Martin Romualdez, iginiit nito na hindi pa, ngunit kung may lalabas na ebidensiya ay pananagutin rin ang mambabatas.



