VPSD, walang nakikitang mali sa pagbahagi ng pekeng videos na gawa ng AI na sumusuporta sa kanya

📅 June 17, 2025 12:19 PM PHT  |  ✏️ Updated June 17, 2025 06:23 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Walang nakikitang mali si Vice President Sara Duterte sa pagshi-share sa social media ng mga video ng peke o gawa ng artificial intelligence ng umano’y mga estudyanteng sumusuporta sa kanya.

Depensa ‘yan ni VP Sara sa kanyang kaalyadong si Sen. Ronald Bato Dela Rosa matapos i-share ng senador ang isang AI video na kontra sa impeachment ni VP Sara

Binatikos si Dela Rosa sa pagbabahagi ng naturang AI video, pero para sa mambabatas wala siyang pakialam na AI ang video dahil sang-ayon naman siya rito.

Mababatid na isa sa mga panganib ng AI ay halos hindi na makita ang pinagkaiba ng totoong video sa gawa-gawa lang.