VPSD sa kritisismo sa kanyang ‘personal’ na biyahe abroad: “Bobo kasi sila kaya hindi nila naiintindihan”

📅 June 26, 2025 11:42 AM PHT  |  ✏️ Updated June 26, 2025 05:07 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

May maanghang na bwelta rin si Vice President Sara Duterte sa kritisismo sa kanyang mga trip abroad matapos kwestyunin ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro kung personal ba o para sa bayan ang huling biyahe ni VP Sara sa Australia noong nakaraang linggo.

Giit ni VP Sara, bagamat personal ang kanyang biyahe patungong Australia ay nagtatrabaho naman anya s’ya.

Maliban sa Australia, dalawang beses ring lumipad si VP Sara patungong The Hague nitong taon.

Dumaan rin siya sa Qatar noong Mayo, nagdiwang ng Independence day sa Malaysia noong Hunyo at nakatakda ring umalis muli patungong South Korea at Kuwait sa Hulyo.