VP Sara, hindi dumalo sa budget hearing; larawan na nanonood ng play, kumalat | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Dadalo kaya? Iyan ang tanong ngayon kung sisipot na ba si Vice President Sara Duterte sa muling pagdinig ng Kamara para sa 2026 proposed budget ng kanyang opisina na gaganapin sa darating na September 16.

Matapos hindi dumalo sa unang pagdinig noong Biyernes, iginiit ng Bise na hindi niya kasalanan ang pagliban.

Paliwanag niya, tumanggi ang mga mambabatas na tanggapin ang kanyang ipinadalang assistant secretary—kahit malinaw sa House tradition na puwede ring humarap ang isang undersecretary kapag absent ang pangalawang pangulo.

Matatandaan na si Attorney Rosalynne Lopez-Sanchez ang undersecretary na dating na-contempt ng Kamara noong kasagsagan ng kontrobersya sa confidential funds.

ADVERTISEMENT

Sa ipinakitang text message, lumabas na pinayuhan si Duterte ng isang mambabatas na huwag nang tumuloy sa pagdinig dahil may sakit umano ito.

Ngunit sa kabila niyan, kumalat naman ang isang larawan na nanonood siya ng play. Hindi ito direktang kinumpirma o itinanggi ng Bise, pero tinawag niyang twisted story ang mga balitang lumabas. (Pink Feliciano/News Light)