‘Circus’ at ‘zarzuela’
Ganyan inilarawan ni Vice President Sara Duterte ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects, sa panayam nito sa The Hague, Netherlands.
Aniya, ‘dapat lang’ na magsagawa ng lifestyle check at walang dapat na maka-alpas, mula sa mga malalaking posisyon hanggang sa mga nakapuwesto sa iba pang ahensiya ng gobyerno.
Binigyang-diin ng pangalawang pangulo na hindi lamang dapat sa surface-level ng Statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) nakasentro ang pagsusuri, kundi kinakailangang magsagawa ng mas malalim pang imbestigasyon para sa mga posibleng dummy o mga taong ginagamit upang itago ang yaman ng mga opisyal.
ADVERTISEMENT
Ito ay matapos niyang maging kalihim ng Department of Education kung saan umano nangyayari ang malawakang korapsyon.
Ayon kasi sa kaniya, 2024 nang paghati-hatian ng miyembro ng House of Representatives ang pondo sa school building program.
Kaya hinamon ng bise ang pangulo na kung seryoso ang administrasyon nito na puksain ang korapsyon, kinakailangan na suriin din ang 2024 at 2025 budget.
ADVERTISEMENT
Maalaala noong 2023, ayon sa Commission on Audit (COA), 192 lamang sa 6,392 ang naipatayo na classrooms. Naudlot umano ito dahil sa pagbabago ng disenyo.
Ayon pa sa COA, nagkaroon din ng delayed na konstruksyon kaya hindi natupad ang layunin ng ‘Last Miles School Program.’
Umaasa naman si Senator Bam Aquino, chairman of the Committee on Education, na maililipat sa edukasyon at kalusugan ang pondo mula sa halos dalawang daan at limampung bilyong piso na panukala sa flood control projects ngayong 2026.
ADVERTISEMENT
Sa susunod na linggo, gugulong na ang imbestigasyon sa umano’y ghost projects. (Pink Feliciano/News Light)



