Nais ipabasura ni Vice Pres. Sara Duterte sa korte suprema ang apelang motion for reconsideration na inihain ng kamara hinggil sa impeachment ng pangalawang pangulo.
Sa 27-page comment na inihain ng bise giniit nitong walang merito ang apeklang baligtarin ang unang desisyon ng sc ukol sa konstitusyonalidad ng impeachment complaint. Magugunitang July nang ideklara ng korte suprema na labag sa saligang batas ang inihaing impeachment trial laban sa pangalawang pangulo.
Ayon sa SC, nilalabag ng reklamo ang one year bar rule kung saan isang beses lamang maaring sampahan ng impeachment case ang sinumang opisyal ng gobyerno sa loob ng isang taon. Kinontra naman ito ng kamara noong August 4 sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration.



