VP Sara Duterte, kontra ang pagkiling ni Marcos sa Amerika

📅 June 24, 2025 11:53 AM PHT  |  ✏️ Updated June 24, 2025 11:53 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News, Sa atin ang West Philippine Sea

Binanatan ni Vice President Sara Duterte ang foreign policy ni Pangulong Marcos Jr. ukol sa West Philippine Sea partikular sa pagpapasok ng U.S. missiles sa bansa.

Sa kanyang speech sa mga OFW sa Melbourne, sinabi ni VP Sara na dapat diplomasya ang gamitin sa pagsupil sa mga atake ng China sa mga mangingisdang Pilipino.

Giit ni Duterte, hindi dapat kumiling ang Pilipinas sa U.S. dahil dapat “kaibigan ng lahat ang Pilipinas.”

Pero buwelta naman ni Philippine Coast Guard spokesperson Jay Tarriela, batay sa sariling interes ng bansa at hindi dikta ng iba ang pagtindig ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Matatandaang sinuportahan ng tatay ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang China at hindi ang Amerika sa ilalim ng kanyang pamumuno.