VP Sara Duterte, isinasangkot si Zaldy Co sa 2021 ‘overpriced’ laptop scandal ng DepEd

📅

Isinasangkot ni Vice Pres. Sara Duterte si resigned Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa overpriced laptop scandal nooong 2021.

Sa press briefing ng bise sa Zamboanga nitong Martes, ibinunyag niya na ang contractor umano ng mga naturang laptop ay ang sunwest construction and development corporation na siyang iniuugnay na pagmamay ari ni Co.

Ayon kay Duterte, ito ang lumabas sa internal investigation ng dept of education sa panahon ng kanyang pamumuno sa ahensya.

Banggit pa ng ikalawang pangulo ginamit niya ang kanyang confidential funds para sa imbestigasyon rito.

ADVERTISEMENT

Matatandaang kinukwestyon ng kamara ang paggamit ng confidential funds ng OVP.

Habang sinita naman ng Commission on Audit ang P2.4 billion laptop purchase ng DepEd sa panahon ng pandemya dahil sa sobrang presyo pero lumang modelo ng mga binili.