Binanatan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa aniya’y kawalan ng direksyon at tapang sa pag-imbestiga ng malaking korapsyon sa flood control projects na nagbunsod umano ng “malalim na crisis of confidence” sa pamahalaan.
Sa kabila ng daan-daang libong Pilipinong nasa kalye sa ikalawang araw ng protesta kontra korapsyon ng Iglesia ni Cristo, sinabi ni VP Sara sa kanyang uploaded video sa social media page na nadidismaya siya at nakadidiri umano ang pamahalaang lulong sa kasakiman.
Ibinulgar din ni Duterte ang kanya umanong first-hand experience bilang Department of Education (DepEd) secretary kung saan ginawa umano ng pork barrel ng mga kongresista ang pondo para sa mga silid-aralan.
Matatandaang kinuwestyon ng marami at hindi niya nasasagot ang kontrobersyal na confidential funds sa DepEd, maging ang lumalalang critical learning gaps sa pag-aaral na hindi umano niya naresolba bilang kalihim, ayon sa maraming grupo.



