VP Sara Duterte, hindi kumbinsido sa pangangalaga ng ICC kay Ex-Pres. Duterte

📅

Hindi kumbinsido si Vice President Sara Duterte na kayang mapangalagaan ng International Criminal Court ang kapakanan at kalusugan ng kaniyang amang si dating Pang. Rodrigo Roa Duterte.

Kasunod ‘yan ng natanggap na impormasyon ng bise na umano’y minsang nang nawalan ng malay ang dating pangulo, pero hindi umano ipinaalam ng ICC sa kanilang kampo.

Dahilan para pagdudahan ng pangalawang pangulo ang umano’y tila may malisyang “welfare check” na isinagawa ng Philippine embassy kay Duterte.

Una nang sinabi ng kampo ni Duterte na kakailanganin na ng dating pangulo ang pangangalaga ng isang caretaker habang nasa kustodiya ng ICC.