VP Sara Duterte, hindi dadalo sa SONA

📅 June 20, 2025 11:42 AM PHT  |  ✏️ Updated June 20, 2025 08:48 PM PHT
👤 Billy Torres  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na hindi dadalo si Vice President Sara Duterte sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.

Ayon kay Velasco nagpadala ng liham ang Office of the Vice President para ipabatid ang hindi pagdalo ni Duterte ngunit walang ibinigay na dahilan.

Noong nakaraang taon, hindi rin dumalo sa sona si Duterte matapos magbitiw sa gabinete ni Marcos sa gitna ng tensyon sa pagitan ng kanilang mga kampo.

Si VP Sara pa lamang ang nag-decline sa mahigit 200 imbitasyong ipinadala sa mga panauhing institusyonal.

Matatandaang noong Pebrero in-impeach si Duterte ng Kamara dahil sa alegasyon ng katiwalian at umano’y planong pagpapatumba kay Pangulong Marcos na mariin niyang itinanggi kahit na nasambit niya ito sa isang video conference online.