Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na sasagot siya sa utos ng Ombudsman kaugnay ng alegasyon ng pagsasamantala sa higit limandaang milyong pisong confidential fund.
Kinumpirma ni VP Sara na inihahanda na ng kanyang mga abogado ang pormal na sagot sa mga kasong plunder at bribery at isusumite ito sa loob ng sampung araw.
Nag-ugat ang kaso sa akusasyon ng kamara na nilustay umano ni VP Sara Duterte ang pondo habang siya’y nakaupo bilang vice president at dati ring education secretary.
Handa rin daw siyang sumagot sa impeachment trial.
ADVERTISEMENT
Matatandaang hindi masyadong tumutugon ng maayos ang bise sa pagdinig ng quadcom lalo na sa mga diretsahang tanong sa kanya ng mga mambabatas hinggil sa isyu ng korapsyon na kinasasangkutan niya.



