VP Sara Duterte: estado ng Pilipinas, “sad at frustrating”

📅 June 26, 2025 11:38 AM PHT  |  ✏️ Updated June 26, 2025 11:38 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Isang buwan bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. nauna nang nagpahayag si Vice President Sara Duterte ng kanyang pananaw ukol sa estado ng bansa.

Sa panayam sa media sa San Fernando City, Pampanga, muling binanatan ni VP Sara ang pamamahala ni PBBM.

Partikular ang anyay pagpapapicture ng pangulo sa mga nahuling droga at pagsira nito.

Ayon sa bise, hindi dapat maganda lang sa papel o litrato ang serbisyo kung di dapat gumaganda rin ang buhay ng bawat pilipino.

Muli namang kinumpirma ni duterte ang kanyang pagliban sa ikaapat na SONA sa July 28.

Sa halip ay aattend siya sa pinaplanong rally para sa kanyang ama na si former President Rodrigo Duterte sa South Korea.