Binanatan ni Vice President Sara Duterte ang ilang business groups na nanawagan sa Senado na ituloy ang impeachment trial laban sa kanya.
Sa magkakahiwalay na pahayag ng Makati Business Club, Financial Executives of the Philippines, at iba pa, sinabi nilang posibleng makaapekto sa ekonomiya kung hindi tutuparin ng Senado ang tungkulin nito bilang impeachment court.
Ayon kay Duterte, kumpiyansa siya na wala na umanong investor, kaya hindi umano siya dapat gawing dahilan kung bakit matumal ang ekonomiya.
Binanatan rin ni Duterte si Senator Risa Hontiveros kaugnay ng panawagan ng senadora na mag-recuse o lumiban ang mga kaalyado ng mga Duterte bilang senator-judges sa impeachment court.
Mababatid kasi na kahit hindi pa nagsisimula ang impeachment trial ay nagpahiwatig na sina Senators Imee Marcos, Ronald “Bato” Dela Rosa, at Robin Padilla ng pagkampi sa bise presidente.