Naniniwala si Vice President Sara Duterte na ang administrasyong Marcos ang nasa likod ng isinampang reklamo laban sa kapatid nitong si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.
Ayon sa Bise, ganitong klase ng paninira sa kalaban ang ginagawa ng administrasyon sa tuwing may kinakaharap na malaking isyu ang bansa.
Noong Biyernes, inireklamo si Pulong Duterte sa Department of Justice dahil sa umano’y pambubugbog at pagbabanta nito gamit ang kutsilyo sa isang businessman sa Davao City noong 2023.
Sa isang pahayag, tinalakay ni Duterte ang kumakalat na video online na nagpapakita ng insidente at sinabi na nasa mga kapwa niya taga-Davao na kung iboboto pa siya o hindi matapos ang insidenteng ito.
ADVERTISEMENT
Samantala, itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na may kinalaman ito sa kumakalat na video.



