Hindi hihingan ng tulong ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pansamantalang paglaya ng amang si dating President Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Duterte, hindi na mababawi pa ang aniya’y “government kidnapping” na ginawa kay FPRRD para humarap sa mga kaso nito sa The Netherlands.
Dagdag pa niya, trabaho dapat ni PBBM na hindi aprubahan ang pagdampot sa nakatatandang Duterte bilang pangulo ng bansa.
Nanindigan naman ang administrasyon na obligado umano silang tulungan ang Interpol na maihain ang warrant sa dating presidente.
ADVERTISEMENT
Samantala, tinanggihan muli ni VP Duterte na banggitin kung ano ang ikatlong bansa na posibleng ilagak ang kanyang ama kung mapagbibigyan ito ng interim release, ngunit nakikipagtulungan na ito ukol sa apela ng kanilang panig.
Nauna nang inapela ng abogadong si Nicholas Kaufman ang hindi pagpayag ng ICC Pre-Trial Chamber 1 na panandaliang palayain si FPRRD. (Denniel Salayo/ News Light)



