VP Duterte, dumalo sa budget deliberation sa Senado; higit P889-M pondo sa 2026, mabilis na inaprubahan | News Light

📅 November 28, 2025 2:12 PM PHT

Tatlong minuto lang ang itinagal ng plenary debates ng Senado para aprubahan ang higit 889 million pesos na budget ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.

Personal na dumalo si VP Sara Duterte sa budget deliberation.

ADVERTISEMENT

Tinanong siya ng media ukol sa kanyang pahayag na handa siyang mamuno sakaling magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng budget insertion issues.