Naantig ang puso ng netizens sa act of kindness na ipinakita ng mga residente ng Cebu kahit pa nasa gitna sila ng pagbangon mula sa kalamidad.
Sa abot kasi ng kanilang makakaya, nagpasalamat ang mga residente sa mga volunteer at rescuer na dumadayo sa lalawigan.
Sa isang video, namimigay sila ng libreng banana cue para hindi gutumin sa daan ang mga papunta sa Bogo City.
ADVERTISEMENT
May ilan rin na namimigay ng libreng kape.
Isang balot rin ng sariwang mangga ang iniaabot ng ilan pang residente sa mga volunteers.
Naantig ang damdamin ng netizens dahil kahit sila ang nawalan, handa pa rin silang magpakita ng kagandahang-loob sa kapwa.




