Vlogger na nag-post ng video na may maling impormasyon, sinampahan ng kaso

📅

Sinampahan ng kasong kriminal ang isang Vlogger matapos ipakalat ang video ng suntukan sa loob ng Bus na ipinalabas na Snatching incident pero simpleng alitan lang pala at lumang insidente na noong May 8 pa sa Liloan, Cebu.

Nag-viral kasi ang nasabing video noong June 22, 2025 matapos itong i-share ng isang Radio Station mula sa orihinal na post ng Vlogger na may alyas na “Jaissle”.

Pinangunahan ni PLT. Joshua V. Cruz, Assistant Team Leader ng Cebu PCRT, ang mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit 7 (racu7) ang pagsampa ng reklamo sa pamamagitan ng regular filling sa Office of the City Prosecutor sa Cebu City.

Kinasuhan ang Vlogger ng paglabag sa Unlawful Use of Means of Publication kaugnay ng Cybercrime Prevention Act.