Viral Russian vlogger na si Vitaly, ibinalik sa Immigration holding facility matapos magpyansa

📅
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Latest News

Ibinalik sa Bureau of Immigration holding facility sa Camp Bagong Diwa ang viral Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy matapos magpyansa sa kasong unjust vexation na kinakaharap sa Taguig RTC.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Viado, hindi na siya papayagang makagala dahil mananatili siyang nasa kustodiya ng BI
habang nililitis ang mga kaso.

Maaring umabot ng hanggang 18 buwan na pagkakakulong ang sasapitin ni vitaly sa bansa.

Hindi rin siya maaring ideport sa Russia o U.S., dahil ayon sa DILG,
ayaw siyang tanggapin ng parehong bansa.