Dismayado sa nangyari ang kapatid ng estudyanteng papasok pa lamang sa kanilang school, makaraang buhusan ito ng tubig ng isang babae habang nakasakay sa pampasaherong jeep kahapon sa kahabaan ng Brgy. Dayap, Calauan, Laguna.
Ito ay naganap sa tradisyunal na basaan sa kanikang kapistahan ng San Juan.
Dahil dito ay umani nga ng mga negatibong komento ito sa social media na umabot ng 10 million views mula sa nag-post.
Sa panayam sa kapatid ng biktima, nais nilang makipag-ugnayan sa Brgy. Captain at Sangguniang Barangay upang linawin ang nangyari at papanagutin ang may sala.
Aniya, kailangan ilagay sa tamang proseso ang pagdiriwang ng kapistahan ng San Juan upang walang madamay sa kanilang pambabasa.
May ilang guideline ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Juan kaugnay naman sa kanilang Wattah, Wattah Festival.
Isa dito ay papatawan ng multa at parusa ang sinuman lalabag sa ordinansa ng basaan.
Bawal ang maruming tubig, bawal gumamit ng high pressure water sprayer, bawal ang basaan sa labas ng basaan zone, at iba pa.
Paalala sa ating mga mamamayan, sa ganitong kapistahan, sana’y maiwasan ang sinumang masaktan o mabasa ng walang kinalaman sa pagdiriwang. (Kevin Pamatmat/ News Light)