“I will not allow our policemen to swerve and protect.”
Iyan ang sinabi ni National Police Commission (NAPOLCOM) vice chairperson at executive officer Atty. Rafael Calinisan sa isang press release at ipinag-utos din ang motu proprio investigation ng kanyang komisyon sa viral na pulis sa social media.
Kinilala ni Calinisan ang pulis na si PCMS Homer Sanares Urbano ng Eastern Police District na walang helmet at nagmamaneho ng motorsiklo habang pagewang-gewang sa bike lane sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
ADVERTISEMENT
Hindi pa malinaw kung siya ay naka-inom, ngunit sa kumakalat na social media post, ilang beses na muntik mabangga ang pulis at ang kumukuha sa kanya ng video.
Suspendido na rin ng 90 araw ang lisensya ni Urbano matapos ito ipag-utos ng DOTR at binigyan ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) upang pagaliwanagin sa insidenteng kinasangkutan nito sa kalsada.
Naglabas din ng pahayag ang Eastern Police District kung saan gagawa rin sila ng sariling imbestigasyon sa kanilang hanay. (Austin Gonzaga/ News Light)




