Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na kaugnay sa panawagang interim release ng kanyang ama ang biyahe niya sa Australia.
Ayon sa bise, bahagi lang ang Australia sa mga bansang tinitingnang maaaring tumanggap sakaling palayain pansamantala si dating pangulong Duterte.
Dagdag pa niya, nagtangka siyang makausap si Australian foreign minister Penny Wong pero hindi ito naging posible.
Wala rin namang ibang Australian officials ang nakipagpulong sa kanya lalo’t wala rin daw opisyal na meeting sa mga opisyal ng pamahalaan ng Australia ang kanyang kasalukuyang biyahe.
Milinaw din ng bise na hindi ito personal niyang vacation holiday sa gitna ng mga tanong ng palasyo sa kanyang madalas na paglabas ng bansa sa kabila ng dapat pagsisilbi sa bayan bilang pangalawang pangulo.