Inanunsyo ng Vatican ang unang pagtalaga ng Chinese Bishop sa ilalim ni Pope Leo the 14th isang palatandaan ng suporta ng bagong papa sa kontrobersiyal na kasunduan ng simbahang katolika at Beijing.
Itinalaga si Joseph Lin Yuntuan, bilang auxiliary Bishop ng Fuzhou sa Fujian province noong June 5.
Ayon sa Vatican, isang mahalagang hakbang ito sa patuloy na dayalogo ng holy see at Chinese authorities.
Matatandaang 2018 pa nang iproseso ang kasunduan na nagbigigay sa magkabilang panig ng karapatang magpangalan ng mga obispo.