Vatican, bigo sa pagpili ng bagong Santo Papa

📅

Lumabas ang makapal na itim na usok mula sa tsimenea ng Sistine Chapel nitong Miyerkules, hudyat na nabigo ang mga kardinal na pumili ng bagong Santo Papa sa unang pagboto ng conclave.

Libu-libong tao ang nagtipon sa St. Peter’s Square upang masaksihan ang usok, na lumabas mahigit tatlong oras matapos ma-lock-in ang 133 kardinal.

Matapos ang pagboto, babalik ang mga kardinal sa Santa Marta Guesthouse kung saan sila pansamantalang nanunuluyan habang nagpapatuloy ang eleksyon.

Ayon sa tradisyong Katoliko, tanging mga kardinal na nasa edad 80 years old pababa ang boboto nang palihim sa Sistine Chapel hanggang sa may makakuha ng two-thirds majority o 89 na boto para hiranging bagong Santo Papa.