Umakyat na sa ₱17.56 trillion ang utang ng pamahalaan sa nagdaang buwan ng Oktubre ngayong taon bunsod ng dagdag na ₱106.78 billion o 0.61 percent noong Setyembre, ayon sa Bureau of Treasury.
Ulat ng sangay, dulot ito ng pangungutang ng gobyerno sa lokal at labas ng bansa at paghina ng piso kontra dolyar—mula ₱58.149 noong Setyembre hanggang ₱58.771 noon namang Oktubre.
₱12.05 trillion na rin ang domestic debt sa pagtaas ng net government borrowings ng ₱70.65 billion. Dagdag namang ₱1.78 billion sa halaga ng local currency sa retail dollar bonds ang resulta ng pagliit ng piso.
Sumampa naman sa ₱5.52 trillion ang foreign debt, na ₱34.35 billion pesos na mas mataas kaysa sa naunang buwan, ayon pa rin sa Treasury.
ADVERTISEMENT
Mula noong Enero, dinagdagan ng pamahalaan ng ₱1.51 trillion, kumpara noong Oktubre 2024 na may karagdagang ₱1.45 trilyong piso.
Ang utang ng bansa para sana sa pagsusulong ng bagong mga riles, daan, at pagsasaayos ng mga paliparan, ngunit hindi nakamit noong third quarter ng taon dahil sa korapsyon sa flood control projects. (Denniel Salayo/News Light)




