Utang ng Pilipinas, lumobo sa P17.71 trillion noong 2025 | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Umabot sa tumataginting na P17.71 trilyon ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2025 bunsod ng pondong hiram para sa development programs at paghina ng piso kontra dolyar.

Ayon sa Bureau of the Treasury, 10.32 percent na mas mataas ang mga numerong ito kaysa sa P16.05 trilyon noong 2024.

Aabot sa 68.4 percent o P12.12 trilyon ng kabuuang debt figure ay mula sa domestic debt, o ang lokal na utang ng pamahalaan buhat sa mga net issuance ng government securities at regular auctions.

P5.59 trilyon naman nito ay bunsod ng foreign debt issuance ng mga bagong global bonds at development assistance mula sa mga international development partners.

ADVERTISEMENT

Ang pag-akyat ng utang ng bansa ay dahil umano sa pagsipa sa halaga ng foreign currency at mahinang exchange rate, ayon sa Treasury. (Denniel Salayo/News Light)