Binulabog at dinakip ng mga security agent si US Senator Alex Padilla sa presscon ni Homeland Security Secretary Kristi Noem.
Tinangkang magtanong ni Padilla tungkol sa protesta sa immigration crackdown ni Trump sa Los Angeles.
Pero imbes na sagutin ng Homeland Security Secretary, pilit siyang pinaalis, pinadapa, at pinosasan ng taylong security agent.
Kinondena ng mga mambabatas mula sa magkabilang panig ang pangyayari.
Tinawag ni Republican Senator Lisa Murkowski na “mali at nakakasuklam” ang pagtrato na ito kay Padilla.
Nagpahayag din ng galit si Senate Minority Leader Chuck Schumer at sinabing kailangan ng agarang aksyon matapos ang pangyayari.