US, pansamantalang sinuspinde ang pagproseso ng student visa

๐Ÿ“… May 29, 2025 01:02 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated May 29, 2025 01:02 PM PHT
๐Ÿ‘ค Dawn Pamulaya  |  ๐Ÿ“‚ Balitang Abroad, Latest News, News Light

Sinuspinde ng Estados Unidos ang pagproseso ng mga student visa habang pinaigting ng administrasyong Trump ang pagsisiyasat sa social media ng mga aplikante.

Ayon kay US Secretary of State Marco Rubio, inutusan ang mga embahada na itigil muna ang pagtanggap ng bagong appointment para sa student at exchange visas.

Ipinahiwatig din na maglalabas ang State Department ng bagong panuntunan sa mas pinalawak na social media vetting.

Pinabulaanan ng ilang estudyanteng apektado ang mga alegasyong may kaugnayan sila sa anti-Semitism o ilegal na aktibidad.