University students mula Quezon City, sama-samang nagkilos-protesta laban sa korapsyon | News Light

📅 November 18, 2025 2:06 PM PHT

Sa ilalim ng alyansang ‘One Katipunan Against Corruption’, sama-samang nakilahok sa kilos-protesta ang mga student leader ng University of the Philippines Diliman, Ateneo de Manila University, at Miriam College kahapon.

Kasabay ng International Student’s Day, nagprotesta ang mga estudyante papunta sa Della Strada Parish sa C5 Katipunan Road upang ipanawagan ang pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon sa pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Hinimok nila ang kanilang mga kapwa estudyante na makiisa sa panawagan laban sa korapsyon.

Hiling nila, magbitiw sa pwesto sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte dahil sa sunod-sunod na rebelasyon ng katiwalian sa pamahalaan.