Kinumpirma ng Department of National Defense na interesado ang United Kingdom na makipagkasundo sa Pilipinas para sa Visiting Forces Agreement o SOV-FA.
Ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro, nagpadala na ng liham sa bansa ang British government na nagpapahayag ng kanilang intensyon.
Kinakailangan na lamang ng pormal na pirma mula kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. bago simulan ang negosasyon.
Layon ng kasunduan na payagan ang pagpasok at pag-eensayo ng tropa sa bawat bansa.
ADVERTISEMENT
Bukod dito, interesado rin ang British Armed Forces na sumali sa multilateral maritime exercises kasama ang Pilipinas.
Sakaling matutuloy, magiging ika-pito na ang UK sa mga bansa na may katulad na kasunduan sa Pilipinas kasama ang U.S., Australia, Japan, New Zealand, Canada at France.



