Kapwa pumirma ang Pilipinas at bansang Qatar sa kasunduang “Unified employment contract for domestic workers” na layong magbigay ng mas maayos na proteksyon para sa mga Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Migrant Workers chief Hans Leo Cacdac, layon nito na iwasan ang contract-substitution at masiguro ang makataong trato sa mahigit 250,000 na mga manggagawang pinoy sa naturang bansa.
Nakasaad sa bagong kontrata ang annual leave, weekly rest day, daily rest period, sapat na sweldo, at access sa complaints mechanism.
Binigyang-diin din ni Cacdac na iisa na lamang ang kikilalanin ng Qatari at Philippine governments na kontrata para sa mga kasambahay.
ADVERTISEMENT
Kasabay nito, nakipagpulong din si Cacdac sa Filipino community sa DOHA kasama si Philippine ambassador Mardomel Melicor at tiniyak ang kanilang kaligtasan matapos ang kamakailang pagsabog.



