Isang numero na lang.
Hindi na kailangang malito sa mga numero na ida-dial sa phone dahil simula ngayon iisa na lang ang tatawagan ng mga Pilipino sa emergency ang 911.
Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang unified 911 hotline na direktang kokonekta sa pulis, bombero, medical at disaster response teams sa oras ng matinding pangangailangan.
Libre, 24/7 at multilingual ang serbisyo target ang limang minutong response time bagamat aminado ang dilg na hamon pa rin ang mga liblib at bulubunduking lugar sa bansa.
Inaasahan naman ang pagtatayo ng karagdagang call center facilities sa loob ng 120 days kung saan nasa 240 na mga call center agents ang nakahandang sumagot sa bawat shift.
ADVERTISEMENT
Sa unang araw ng operasyon umabot sa halos animnapung libo ang bilang ng natanggap na tawag pero animnapung porsyento dito ay bogus o manloloko.
Babala naman ng ahensya, hindi na sasagutin sa tunay na emergency kapag sinimulan ang prank calls sa 911.
Matatandaang September 11, 2001 nang mangyari ang 9/11 terror attack sa World Trade Center sa Amerika na kumitil ng libu-libong katao.



