Underground water basin na makakatulong sa pagpigil ng baha sa Quezon City, kumpleto na | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Binuksan na ang barangay basketball court na may imbakan ng tubig-ulan sa ilalim sa Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Layunin ng underground detention basin na tugunan ang pagbaha sa lugar na malapit sa Tullahan River.

Ayon sa Quezon City Department of Engineering, kayang mag-imbak ng hanggang 1,700 cubic meters ng tubig ang 4-meter-deep na basin.

Ayon naman kay City Engineer Dale Perral, gagana ang basin sa pamamagitan ng gravity, kung saan awtomatikong lalabas ang tubig mula rito kapag bumaba na ang elevation ng Tullahan River.

ADVERTISEMENT

Ang konsepto ng proyekto ay kapareho ng pasilidad sa Bonifacio Global City sa Taguig na kayang mag-imbak ng tubig na katumbas ng walong Olympic-sized swimming pools.