Unang kaso ng mpox sa Eastern Visayas, naitala sa Leyte | News Light

📅 June 19, 2025 12:18 PM PHT  |  ✏️ Updated June 19, 2025 12:18 PM PHT
👤 Carlene Latuna  |  📂 Balitang Pangkalusugan, Latest News, News Light

Kinumpirma ni Sogod, Leyte Mayor Sheffered Tan at ng Provincial Health Office na may unang kaso na ng mpox sa kanilang bayan.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Isabelita Mato, isang 28-taong gulang na walang travel history mula sa Barangay Zone II ang pasyenteng positibo sa mpox.

Nilinaw naman ng lokal na pamahalaan na walang dapat ikabahala dahil nakarekober na at agad na na-isolate ang pasyente.

Gayunpaman, patuloy na pinaiingat ang mga residente at pinaaalalahanan na panatilihin ang proper hygiene at iwasan ang matataong lugar.