Unang kaso ng highly pathogenic avian influenza, naitala sa Camaligan, Camarines Sur

📅

Naitala sa Camaligan, Camarines Sur ang unang kaso ng highly pathogenic avian influenza type A subtype H5N9.

Ayon sa Bureau of Animal Industry, isinailalim na sa culling at proper disposal ang mga itik sa apektadong lugar.

Pinaigting na rin ang surveillance sa one-kilometer quarantine zone.

Magkakaroon rin ng clearing and disinfection sa one to seven-kilometer quarantine zone ng apektadong lugar para hindi kumalat pa ang banta.

Highly contagious at nakamamatay sa mga ibon ang naturang virus ngunit hindi naman ito nakakaapekto sa mga tao base sa global assessment.

ADVERTISEMENT

Bukod sa culling, disinfection at clearing at surveillance, ipinaalam na rin ito sa DOH para bantayan ang posibleng human exposure.