Unang batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Middle east, ligtas nang nakabalik sa Pilipinas

📅 June 25, 2025 11:36 AM PHT  |  ✏️ Updated June 25, 2025 12:16 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Samantala good news. Ligtas nang nakabalik sa Pilipinas ang unang batch ng Overseas Filipino Workers na naipit sa sigalot sa Middle East.

Sinalubong ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration at Department of Migrant Workers ang kabuoang tatlumput isang pinoy na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas siete June 24 ng gabi.

Karamihan sa mga OFW ay mula Israel pero may ilan ring mula Jordan, Palestine at Qatar.

Mababatid na naantala ng ilang oras ang pagdating ng unang batch na ito matapos magsara ng airspace ang Qatar lunes ng gabi bunsod ng opensiba ng Iran.

Sa ngayon aabot na sa mahigit tatlong daan ang kabuoang bilang ng mga pinoy na nagpasaklolo sa gobyerno upang makauwi, at inaasahang darating na ang susunod na batch nitong linggo rin.

Tiniyak naman ng pamahalaan ang suporta sa lahat ng ofws na nais nang makabalik ng bansa gayundin ang ayuda upang makapagsimula muli sa Pilipinas sa kanilang paguwi.